Manila, Philippines – Aabot sa P79 na milyong halaga ng pera at mga tseke ang nadiskubre sa isang bahay, malapit sa machine gun post ng Maute Group sa Marawi City.
Sa press briefing, inihayag ni joint task force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera – nakuha mga tauhan Ng Philippine Marines sa bahay sa bayan ng mapandi ang aabot sa P52.2 milyon na cash at tseke na nagkakahalaga ng P27 milyon ang nakuha.
Ayon kay Herrera – posibleng naiwan ng grupong Maute ang salapi sa nasabing bahay na pinaniniwalaan safe house ng group.
Isang imbestigasyon ang ikinasa ng AFP para matukoy kung sino ang may-ari ng bahay at kung saan nanggaling ang malaking bulto ng pera pero, sinabi ng opisyal na malinaw ito na mayroong supporters, sympathizers at konektado ang Maute sa international terror groups.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing sa illegal drug money ang pondo na ginagamit ng mga miyembro ng Maute.
DZXL558