MALAKING BUTAS SA KALSADA NA INIWAN NG BAGYONG UWAN SA BRGY. BONUAN GUESET, DAGUPAN, INAKSYUNAN NA

Isinangguni ng mga residente sa Sitio Caniogan, Purok Pagkakaisa, Bonuan Gueset, Dagupan City, ang malaking butas sa isang bahagi ng kalsada matapos ang malakas na agos ng tubig noong kasagsagan ng Bagyong Uwan, dahilan upang masira at mabutas ang daanan.

Tinangay din ng tubig ang tambak ng basura sa naturang butas.

Agad namang kumilos ang pamunuan ng barangay upang tugunan ang sitwasyon.

Agarang tinabunan at inayos ang lugar upang muli itong madaanan ng mga residente.

Kinilala naman ng barangay sa bayanihan at pagtutulungan ng mga taga-Sitio Pagkakaisa at Caniogan, na nagbigay ng kanilang oras at lakas upang mabilis na maresolba ang problema.

Isang patunay muli na sa panahon ng sakuna, ang pagkakaisa ng komunidad ang tunay na susi sa mabilis na pagbangon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments