Angadanan, Isabela – Ilang araw na lang ay dadayuhin ng mga magagaling na manlalaro ng ahedres ang bayan ng Angadanan, Isabela.
Kabilang dito sina Grandmaster Darwin Laylo at Rogelio Antonio, International Master Roel Abelgas, National Master Emmanuel Emparado at mga banyagang manlalaro na nagpasabing lalahok.
Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Tournament Director Rolando Aggarao, kanyang ibinahagi na “all- set” na ang lahat para sa torneong ito.
Gaganapin ang chess tournament sa Angadanan Municipal Compound sa darating na Disyembre 16 at 17, 2017.
Ang Open Tournament ay isasagawa sa Anggadanan Community Center at ang Kiddies Category ay sa Sangguniang Bayan Hall ng naturang bayan.
Narito ang mga naka abang premyo sa naturang chess tournament: Open Tournament Champion – P 40, 000.00, 1st Runner Up – P 20, 000.00, 2nd Runner up – P 10, 000.00, 3rd Runner Up – P 5, 000.00, 4th Runner Up – P 4, 000.00 at P 3, 000.00 para sa 6th hanggang 10th placer.
P 5, 000.00 ang 1st prize, P 3, 000.00 ang 2nd prize at P 2,000.00 ang 3rd prize sa under 2200, under 2100, under 2000, under 1900 at unrated (under 1800) players.
Samantala, sa kiddies category na laan sa mga edad trese pababa ay P 10, 000.00 ang premyo ng kampeon, P 8, 000.00 ang 1st runner-up, P 6000.00 ang 2 nd runner-up at P 1, 000.00 sa pang apat hanggang sampung puwesto.
P 5, 000.00, P 3, 000.00 at P 2, 000.00 ang matatanggap ng mga manlalaro na nasa top 3 ng under 10, under 8 at under 6 na mga kalahok.
May special prize din na P 3, 000.00 para sa Top Lady Player, Top Senior Player at Top Isabela Player.
Ang torneo ay inorganisa ng Isabela Vice Mayor’s League na pinamumunuan ni Angadanan Vice Mayor Diosdado Siquian at sa pamamagitan din ng suportang teknikal ni Ginoong Rolando Aggarao bilang Tournament Director.
Ang torneong ito ay may kapanhintulutan ng National Chess Federation of the Philippines(NCFP).
Ang rehistrasyon ay P 500.00 para sa open at P 300.00 para sa kiddies category.
Mangyaring komontak kay Ginoong Rolando Aggarao sa kanyang cellphone number 0905-559-6835 sa mga nais pang humabol sa rehistrasyon.