Matindi ang pagpuna ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa malalaking dagdag na pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kumpara sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa 2021.
Diin ni Lacson, marami ring kuwestiyonable at nasasayang lamang na pondo ang DPWH pero dinagdagan pa ito ng ₱28.348 billion ng bicameral panel.
Dismayado si Lacson dahil hindi tinanggap ng Bicameral Conference Committee ang rekomendasyon nyang tapyasan ng ₱60 billion ang budget ng DPWH sa 2021 para sa pagpapatayo o pagpapatawa ng mga multi-purpose building maliban lamang sa mga gagawing evacuation centers sa panahon ng kalamidad.
Bukod pa rito, ang mga double appropriations, right-of-way payments at overlapping projects.
Ayon kay Lacson, ang DICT na lubhang nangangailangan ng gastusin para sa National Broadband Program upang makatipid ang mga ahensiya ng pamahalaan sa bayarin sa serbisyong na mula sa pribadong sektor ay kulang-kulang ₱1 billion lamang ang idinagdag.
Dahil sa mga pangyayaring ito, nagpahayag ng dissenting vote ang mambabatas sa bicameral panel report sa ratipikasyon nito sa Senado.
Para kay Lacson, masyadong naagrabyado ang DICT kung ikukumpara sa nangyari sa budget ng DPWH.