Inamin ni US Centers for Disease Control and Prevention Director Dr. Robert Redfield, na unti-unti nang kinikilala ng administrasyon ni US President Donald Trump ang epekto ng COVID-19 sa Europe.
Ito ay matapos magdesisyon ang U.S. na i-shutdown ang mga biyahe mula Europe matapos patuloy na tumaas ang bilang ng kaso roon.
Ayon kay Redfield, ginagawa na nila ang lahat ng paraan para mapigilan ang mabilis ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa Amerika.
Aminado rin sila na mabagal ang kanilang naging pagtugon sa virus na nagresulta nang mabilis na pagtaas ng kaso.
Facebook Comments