Isa ang Bureau of Fire Protection o BFP sa nanguna sa pag-iinspeksyon sa 2000 square meters events tent sa Filinvest Alabang, Muntinlupa city.
Ang nabanggit na tent ay nakatakdang buksan sa May 18 bilang quarantine and healthcare facility na mayroong 108 bed capacity, 2 nurse stations, security at CCTV.
Isa ito sa mga pinakamalalaking lugar na gagamitin ng gobyerno para sa pagbukod at paggamot sa mga COVID-19 positive patients.
Ang BFP ay kasama sa naatasang tumulong sa pagpapatakbo sa nabanggit na pasilidad.
Ang nabanggit na tent ay kabilang sa mga We Heal as One Centers na ginawang health facility ng Department of Public Works ang Highways para palakasin ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemic.
Facebook Comments