Malaking gastos sa SEA Games, masusulit kung bubuhusan ng suporta ang ating mga atleta

Umapela si Senator Imee Marcos na buhusan ng suporta ng organizing committee ng Southeast Asian (SEA) Games ang mga atletang pambato ng Pilipinas para umani ng medalya.

Ayon kay Marcos, ang tagumpay ng ating mga atleta ang daan para masulit ang malaking ginastos ng gobyerno para sa SEA Games.

Ipinaliwanag ni Marcos na kung pinondohan ng malaki ang New Tarlac City at iba pang sports facilities, ay mas dapat tustusan ang pagsasanay, kagamitan, pag-kain, bitamina at lahat ng iba pang kailangan ng ating mga atleta.


Ikinatwiran ni Marcos na mas madidismaya ang taumbayan kapag naging kulelat tayo sa 11 bansang maglalaban-laban sa SEA Games.

Facebook Comments