Malaking iceberg, lumutang sa baybayin ng Ferryland sa Canada

Canada – Dinarayo ngayon sa baybayin ng Ferryland, Newfoundland ang biglang pagsulpot ng ice berg.

Sa sobrang dami ng mga turista nagpapakuha ng litrato sa iceberg, isinara na ang highway sa Ferryland dahil humaharang na ang mga ito sa daanan.

Ayon sa mayor ng Ferryland si Adrian Kavanagh, karaniwan na sa kanila ang paglutang ng bloke ng yelo pero ang iceberg na lumitaw nito lang buwan ay ang pinakamalaki.


Inaasahan namang magtatagal pa ang iceberg na ito na napakalapit lang sa kalupaan.

 

Facebook Comments