Muling nanindigan ang Department of Education (DepEd) na kailangang maipagpatuloy ang edukasyon kahit sa panahon ng sakuna.
Ito ang pahayag ng kagawaran sa kabila ng mga panawagang ‘academic freeze’ o pagkakansela ng school year sa formal education system.
Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, malinaw ang posisyon ng kagawaran hinggil dito.
Pangamba ni San Antonio, kapag nahinto ang paghahatid ng basic education services sa mga mag-aaral ay maaaring magdulot ito ng malaking impact sa kanilang buhay.
Sinabi ni San Antonio na maaari nilang gawing flexible ang pag-aaral at magkaroon ng adjustments.
Hindi kailangan ng academic freeze lalo na at inatasan ang mga eskwelahan na magpatupad ng ‘academic ease’ measures.