MALAKING KAPAHAMAKAN? | Mga paaralan, hinimok na huwag payagan ang balak na armasan ang mga ROTC cadets

Manila, Philippines – Kinundena ni Kabataan PL Rep. Sarah Elago ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga ROTC cadets para labanan ang terorismo sa bansa.

Giit ni Elago, malaking kapahamakan sa mga ROTC graduates ang balak na paggamit sa mga ito laban sa terorismo.

Sinabi ni Elago, na ginagamit na lamang dahilan ang counter-terrorism para maging lehitimo ang mga pag-atake, pagpatay at paglabag sa karapatang pantao.


Nangangamba ang kongresista na gagamitin lamang din ang pag-aarmas sa mga ROTC graduates para sa crackdown sa mga kritiko at mga kalaban ng gobyerno.

Hinikayat ni Elago ang mga paaralan na huwag hayaang kontrolin ng AFP at gobyerno ang ROTC.

Minsan na aniyang binuwag ang ROTC dahil sa isyu ng katiwalian at korapsyon sa kanilang institusyon.

Facebook Comments