Kinilala ng Pilipinas ang malaking papel ng Japan sa development ng Pilipinas lalo na sa Mindanao.
Inihayag ito ni Department Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo kay Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa sa opening remarks sa ginaganap na ikalawang Foreign and Defense Ministerial Meeting sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa The Fort, Taguig City.
Ayon kay Manalo, itinuturing din ng Pilipinas ang Japan na mapagkakatiwalaang partner sa maraming larangan kabilang na ang ekonomiya at depensa.
Sa kabilang dako, inihayag ni Minister Kamikawa na itinuturing ng Japan na malaking achievement ang paglagda ng dalawang bansa sa Reciprocal Access Agreement na may layong palakasin ang kasunduan sa depensa at military cooperation ng Pilipinas at Japan.