Malaking Manukan sa Luna, Isabela, Natupok ng Apoy!

554

*Luna, Isabela- *Tinupok ng apoy ang malaking manukan na pagmamay-ari ng isang Chinese sa Brgy. San Isidro, Luna, Isabela.

Kinilala ang negosyanteng biktima na si Menchie Huang, 39 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SFO2 Elmer Parallag, bagong hepe ng BFP Luna, natusta ang dalawampu’t walong (28) libong sisiw na manok na kalalagay lamang umano kahapon.

Wala naman aniyang naitalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog na naapula ng mga nagsanib pwersang bumbero ng BFP Luna, BFP Cabatuan, BFP Cauayan, mga fire volunteers at ng PNP Luna.

Sumiklab ang sunog bandang alas 4:00 kaninang madaling araw at naideklarang fire out ng alas 5:45 ng umaga.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Luna sa sanhi ng sunog at inaalam pa ang buong halaga ng pinsala ng nasabing sunog.

Facebook Comments

From Advertisers