Napagbigyan ang hiling ng mga motorcycle riders na huwag ng ipatupad ang paglalagay ng malaking metal plate sa harap ng motorsiklo.
Ito ang naging resulta ng dayalogo na ipinatawag ni Senator JV Ejercito sa pagitan ng mga motorcycle riders at mga kinauukulang ahensya na syang gagawa ng implementing rules and regulation o IRR ng Motorcycle Crime Prevention Act.
Sabi ni Ejercito, kumbinsido si Land Transportation Office Chief Edgar Galvante na delikado ang paglalagay ng malaking metal na plaka sa unahan ng motorsiklo dahil posible itong matanggal, lumipad at makapinsala o makasakit.
Ayon kay Ejercito, bukas si Galvante sa mga mungkahi na sa halip malaking metal plate ay decal o kaya ay RFID na lang ang ikakabit sa unahan ng motorsiklo.
Facebook Comments