Malaking pagbabago sa election survey, hindi na inaasahan ng isang political analyst

Hindi na nakikita ng isang political analyst na magkakaroon pa ng malaking paggalaw o epekto sa resulta ng mga isasagawang pre- election survey.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Froilan Calilung ng University of Santo Tomas (UST) Political Science Department na sa dalawang huling isinagawang survey ng OCTA at Publicus Asia ay napaka- minimal lamang ng naging paggalaw ng resulta ng survey.

Sa naturang survey kung saan, 2 percentage points ang nadagdag kay presidentiable at dating Sen. Bongbong Marcos at 1 percentage point naman para kay Vice President Leni Robredo.


Sinabi pa ni Prof. Calilung na habang papalapit ng papalapit ang May 9 elections ay wala na halos mababago pa sa survey.

Base kasi sa pag-aaral, mayorya ng ating voting public ay desedido na kung sino ang kanilang iboboto sa eleksyon.

Facebook Comments