Malaking pinasala ngayong 2024, idudulot umano ng planong phaseout sa mga pampasaherong jeep

Ibinabala ng Kabataan Partyist ang malaking pinsala na maaring idulot sa ating bansa ngayong 2024 ng planong pag-phaseout sa mga pampasaherong jeep na nabigong nakapag-consolidate ng kanilang mga prangkisa sa ilalim ng kooperatiba alinsunod sa Public Utility Vehicle o PUV modernization program.

Diin ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, ang nabanggit na hakbang ay tiyak magpaparalisa sa sektor ng transportasyon sa buong bansa ngayong taon.

Dismayado si Manuel na hindi man lang humarap at nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa libu-libong mamamayang nagpoprotesta laban sa PUV phaseout.


Ayon kay Manuel, may mga alternatibang hinahapag ang kanilang hanay pero ayaw nang makinig ng Malacañang.

Nababahala si Manuel na bunsod nito ay milyun-milyong pinagsamang tsuper, operator at komyuter ang haharap sa transport disaster at masaker sa kabuhayan ngayong 2024.

Facebook Comments