
Ipupursigi ng FPJ Panday Bayanihan party-list na ipaglalaban nito ang pagkakaroon ng mataas na pondo para sa edukasyon upang lalong sumigla ang ekonomiya ng bansa na huhubugin ng mga kabataan.
Ito inspirasyon inihayag ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng kinatawan ng FPJ Panday Bayanihan Party-List sa mga mag-aaral ng Virgen Milagrosa University Foundation, Inc., ng San Carlos, Pangasinan.
Layunin din ng partido na tiyakin na ang kabataang Pilipino ay may sapat na mapagkukunan at oportunidad upang maabot ang kanilang buong potensyal, saad ni Poe.
Inilatag ni Poe ang iba’t ibang inisyatibong naglalayong pagpapalawak ng access sa kalidad na edukasyon, paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho, at pagsusulong ng pagnenegosyo.
Binigyang-diin pa ni Poe ang kahalagahan ng pagbibigay sa kabataang Pilipino ng mga kasanayan at kaalaman upang sila ay umunlad sa isang mabilis na nagbabagong mundo.
“Naniniwala kami sa kapangyarihan ng edukasyon upang baguhin ang buhay,” wika ni Poe.
“Magsusumikap kami upang matiyak na ang bawat kabataang Pilipino ay may access sa de-kalidad na edukasyon, anuman ang kanilang pinagmulan”ani Poe.
Ipinunto ni Poe hindi lamang dapat maging job seekers ang kabataan, kundi maging job creators na magpapalakas sa ekonomiya ng bansa.