Malaking porsyento ng mga senior citizen, alangan pa ring magpabakuna

Marami pa ring mga senior citizens ang nag-aalangang magpabakuna na kontra COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., magmula nang simulan ng gobyerno ang programang pagbabakuna ay hindi tumaas ang porsyento ng mga naturukan sa edad-60 pataas.

Itinuturing naman itong hamon para sa pamahalaan dahil kakaunti pa rin ang mga nababakunahang kabilang sa A2 priority group.


Sa ngayon, pagtitiyak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na pagtutuunan niya ng pansin ang pagbabakuna sa mga matatanda oras na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) mula August 6 hanggang 20.

Sa ngayon as of August 1 ay nakapagturok na ng bakuna ang gobyerno sa 9.1 million indibiwal sa bansa kung saan nangangailangan pa ng karagdagang 70 milyong upang maabot ang herd immunity.

Facebook Comments