Malaking rally kontra korapsyon sa November 30, suportado ng ICI

Suportado ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang malaking rally ng taumbayan sa November 30 bilang protesta sa malawakang anomalya sa mga flood control project.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, dapat lamang na maging mapagmatyag ang mamamayan upang hindi na maulit ang mga nangyaring katiwalian.

Iginiit ni Hosaka na kakampi ng Komisyon ang publiko at tinitiyak ng ICI na makakamit ng sambayanan ang hustisya para sa mga nawalang pera ng bayan.

Samantala, kinumpirma ni Hosaka na muling magpupulong ang Technical Working Group (TWG) para sa pag-usad ng asset recovery.

Facebook Comments