
Hindi maaantala ang pagpasa ng 2026 national budget kahit nagkaroon ng malaking balasahan sa economic team ng administrasyon.
Ito ang tiniyak ng Malacañang kasunod ng pagkakatalaga ni Finance Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary kapalit ni former ES Lucas Bersamin, habang papalit naman sa kanya sa DOF si Frederick Go, na dating Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.
Sa DBM, si Undersecretary Rolando Toledo ang uupo bilang OIC matapos magbitiw ni Secretary Amenah Pangandaman.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang magiging aberya sa trabaho at proseso dahil ang mga bagong itinalaga sa DOF at DBM ay mga taong matagal nang kasama sa pagbuo ng budget.
Tiwala rin ang Palasyo na maaabot ang itinakdang timeline sa pagpasa ng 2026 budget na kasalukuyan ding hinahabol ng mga economic managers.
Naipasa na ng Kamara ang ₱6.793 trilyon na panukalang pondo noong October 13, habang nasa huling yugto na ng plenary debates ang Senado bago ito dumaan sa bicam at isumite sa Palasyo.









