Malaking rollback sa presyo ng langis, posibleng masundan pa sa susunod na linggo

Posibleng masundan pa sa susunod na linggo ang ipinatupad na malakihang rollback sa presyo ng langis sa bansa.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, bunsod ito ng nagpapatuloy na mababang demand kasabay ng tumataas na suplay ng langis.

Tinitignan ding dahilan ang nagaganap na power crisis sa Europe, India at China na umepekto sa unang linggo ng Nobyembre.


Nagkakaroon naman aniya ng pagtatagpo sa matatag na presyo ng langis laban sa projected insufficient demand.

Nabatid na kahapon, aabot sa piso na bawas-presyo sa gasolina ang ipinatupad ng Caltex, Shell, Seaoil, Petro Gazz at Cleanfuel.

Habang nasa 60 centavos naman ang tapyas sa kada litro ng diesel habang 65 centavos sa kerosene.

Ito ang unang beses na nagpatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo matapos ang higit dalawang buwang oil price hike.

Facebook Comments