Asahan ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), nasa P12 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel habang P6 naman kada litro sa presyo ng gasolina.
Ito ay kasunod ng pagbaba ng Dubai crude sa US$26 kada barrel sa nakalipas na 3 araw.
Dahil dito ay umaasa ang DOE na gaganda pa ang presyuhan sa mga susunod na araw at magpapatuloy ang downward trend sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nangako rin ang Organization of the Petroleum Exporting Countries para sa mas mataas na produksyon ng langis at pinag-uusapan na ring tapusin ang oil sanctions sa Iran.
Matatandaang inaprubahan ng gobyerno ang pamamahagi ng fuel subsidy upang maibsan ang epekto ng oil price hike sa mg tsuper matapos sumirit sa higit P13 kada litro ang presyo ng diesel noong Martes.