Malaking sanitary landfill facility sa Calamba, Laguna, ipinasara ng DENR

Dahil sa hindi pagsunod sa mga kondisyon na nakasaad sa kanilang environmental compliance certificate, tuluyan nang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang malaking sanitary landfill sa Barangay Kay-Anlog, Calamba, Laguna.

Ito’y matapos isilbi ang cease and desist order ng DENR-Environmental Management Bureau sa 6.6 ektaryang sanitary landfill facility na pinapatakbo ng S.B. Hain Enterprises and General Services Inc.

Ayon kay DENR Usec. for Solid Waste Management at Local Government Unit Concerns Benny Antiporda, mananatiling sarado ang landfill hangga’t hindi naitatama ang mga paglabag dito.


Ang Calamba Facility ay nag-o-operate bilang category 4 SLF, ang pinakamataas na kategorya ng sanitary landfill at pinakamalaki ang kapasidad.

Facebook Comments