Malaking sawa, nakita sa loob ng isang sasakyan

Manila, Philippines – Trending sa social media ang video ng sawa na nakita sa loob ng isang Inova.

Ang video ay inupload sa facebook ni Rafy Desuyo na taga-Manila.

Makikita sa video kung papaano pinagtulong-tulungan ng mga residente at ng mga otoridad na alisin ang sawa sa bandang hood ng sasakyan.


Nagtago pa ang sawa sa bandang gulungan ng sasakyan.

Nagtagal ng apat na minuto ang video hanggang sa tuluyang maalis ang sawa na may tatlong dipang haba.

Sa ngayon – mayroon ng halos 55,000 views ang nasabing video.

Facebook Comments