Malaking sunog sa isang kilalang mall sa Pampanga fake news, ayon sa BFP

138

Taliwas umano sa mga kumalat na larawan at impormasyon sa mga social media sites kanina, na napaulat na nasusunog daw ang SM City Mall sa San Fernando City, Pampanga.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) isang malaking grass fire pala sa likod ng naturang mall ang dahilan ng makakapal na usok.


Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP pasado alas-dose ng tanghali nang mai-report sa kanila ang lumaking grass fire malapit sa Skyranch Pampanga.

Kaagad din itong naapula ganap na ala-una diyes ng tanghali at idineklara itong fire out na.

Facebook Comments