Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa pamahalaan na bumuo ng “national strategy” kung paano mapapakinabangan ang malaking talent pool mula sa daang libong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi ng Pilipinas sa kasagsagan ng pandemya.
Ayon kay Villanueva, ang pagbabalik ng mga OFWs ay maituturing na brain gain na dapat nating samantalahin.
Paliwanag ni Villanueva, sa pagbabalik ng mga OFWs ay dala nila ang mga kasanayan o skills na nakuha nila abroad.
Ipinanukala rin ni Villanueva na kung nahihirapan ang gobyernong punuan ang mahigit 250,000 technical positions sa burukrasya ay marapat lang na magsagawa ng job fair o hiring roadshow para maengganyong mag-apply ang mga qualified OFWs.
Facebook Comments