Malaking tubo ng Manila Water sa West Ave. QC, tinamaan ng backhoe

Tinamaan ng backhoe ang malaking tubo ng Manila Water sa West Ave. kanto ng Edsa sa Quezon City kaninang alas 6 ng umaga.

Makikita ang malakas na pagbulwak ng tubig na posibleng makaapekto sa supply ng tubig sa kalapit na lugar.

Kung maalala nagkakaroon ng water interruption sa ibat ibang lugar sa Metro Manila o kalapit na lalawigan dahil sa kakulangan ng tubig sa Anggat Dam.


Mag sasagawa pa ng cloud sedding sa paligid ng Anggat sa Marso 7 hanggang Marso 10.

Paliwanag ng kontraktor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mag lalagay sana sila ng manhole ng aksidenteng tamaan ang malaking tubo.

Bagaman dahan-dahan ang paghukay hindi nila napansin na may tubo sa ilalim.

Kadalasan daw kasi may buhangin munang nahuhukay bago ang tubo pero kanina wala silang nakita kaya’t hindi akalain na meron palang tubo sa 90 meters na lalim na hukay.

Sa ngayon pinabatid na sa Manila Water ang insidente.

Facebook Comments