Naniniwala ang pamunuan ng Phipippine Coast Guard na malaking tulong ang dalawang Fast Patrol boat na dumating mula sa Subic galing ng Fance upang makatulong sa pagmomonitor sa mga iligal na papasok sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo ang dalawang bagong dating na Fast Patrol boat ang siyang kumumpleto sa 4 na Fast Patrol Boats sa ilalaim ng pagpapatupad ng Philippine Ports and Coast Guard Capability Development Project ng Department of Transportation.
Paliwanag ni Balilo ang nasabing mga barko ay ikukumisyon sa ilalim ng Philippine Coast Guard at papangalanang Barko Republika ng Pilipinas Malawi (FPB 2403) at Barko Republika ng Pilipinas Kalanggaman (FPB 2404).
Samantala, ang 82-meter Offshore Patrol Vessel naman ay nakatakdang dumating sa bansa sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.
Ang pagkuha sa mga barkong ito ay sa ilalim ng pinirmahang kontrata ng DOTr kasama ang mga technology expert at mga ship builder ng OCEA S.A ng France, upang mas lalong palakasin at paigtingin ang pagpapatupad ng maritime safety at security at ang pangangalaga sa karagatan ng ating bansa.