Manila, Philippines – Plano ng Department of Tourism (DOT) na muling itatag ang Pilipinas bilang nangungunang international destination para sa Meetings, Incentives, Conventions, at Exhibitions (MICE).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, malaki ang maitutulong ng mga professional congress organizers at venues sa bansa na may koneksyon sa international organizations.
Hinihikayat ni Puyat ang mga ito na makipagtulungan sa ahensya para makamit ang layunin.
Target ng DOT na imbitahan ngayong taon ang nasa 40 MICE organizers at tumulong sa 140 MICE events.
Sinabi ni Puyat na patuloy na gumaganda ang status ng Pilipinas pagdating sa MICE ranking sa buong mundo.
Para buong ma-reestablish ang bansa bilang top MICE destination, kinakailangang pabilisin ang infrastructure improvements, mag-develop ng highly competitive human resource at palakasin ang research and development.