MALAKING TULONG | EO ni P-Duterte, laban sa ENDO, pasado sa ECOP

Manila, Philippines – Kung hindi nagustuhan ng ilang militante at labor groups ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ENDO o End of Contract, ikinatuwa naman ito ng grupong Employers Confederation of the Philippines.

Ayon sa ECOP, malaking tulong ang pinirmahang Executive Order dahil babalansehin nito ang kapakanan ng mga manggagawa at ng mga employer.

Isa pa anila, sa pamamagitan ng naturang EO, magiging ligal na ang contractual employment na tanggap naman bilang isa sa mga working arrangment.


Iginiit pa ng grupo na ang ENDO o 5-5-5 ang iligal, dahil ang mga sapilitan nitong pinatitigil ang trabaho.

Facebook Comments