Manila, Philippines – Nagsagawa ng dry run ang mga operatiba ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB tungkol Bus augmentation para sa MRT.
Ayon kay LTFRB Board member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada na layon ng naturang dry run upang makabisado ng mga driver ang kanilang ruta sa mga MRT Station sa Metro Manila.
Paliwanag ni Lizada malaking tulong ang mga bus sa mga MRT Station sakaling siksikan na ang mga pasahero sa loob ng tren ay mayroon alternatibong sasakyan ang mga commuter na tuloy-tuloy ang biyahe gaya rin ng MRT na titigil lamang sa kanilang mga Station.
Dagdag pa ni Lizada bagamat mas mahal ng kaunti ang pamasahe sa mga Bus na naka standby sa mga MRT Station pero komportable naman umano ang mga pasahero dahil tuloy-tuloy ang kanilang biyahe at hihinto lamang sa mga Station gaya ng ginagawa ng mga operator sa MRT.