Manila, Philippines – Ikinatuwa ng maraming mga residente ng Maynila ang patakaran ng Department of Health na “No Refusal Police” sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong ng mga doktor.
Ayon kay aling Elma Santos ng Paco, Manila, malaking tulong sa kanilang mga mahihirap ang mahigpit na patakaran ng DOH na bawal tumanggi ang mga hospital sa mga pasyenteng isinusugod sa kanilang pagamutan.
Una rito nagbanta si Health Secretary Francisco Duque III sa mga hospital na tumatanggi ng mga pasyenteng dinadala sa kanilang pagamutan na mayroong kaakibat na parusang Administratibo ang sinumang mga staff ng hospital na tumangging gamutin ang kanilang mga pasyente dahil sa walang pambayad.
Paliwanag ng kalihim, hindi pwedeng tumanggi ang hospital na gamutin ang pasyente na nasa Emergency situation dahil lamang sa walang pang down o pambayad ang isang mahihirap na nangangailangan ng tulong.
Giit ni Duque mahigpit niyang tagubilin sa lahat ng mga Director ng mga hospital sa buong bansa na ipatupad ang “No Refusal Policy” sa mga pasyenteng nangangailang ng kanilang tulong.