MALAKING TULONG | Pagwasak sa mga smuggled luxury cars, ipinagtanggol ng Bureau of Customs

Manila, Philippines – Naniniwala si BOC Commissioner Isidro Lapeña na malaking tulong upang mabawasan na tuluyan sa bansa ang smuggling ng mga magagarang sasakyan, ang gagawin ni pangulong Rodrigo Duterte bukas sa anibersaryo ng BOC na wawasakin ang mga luxury cars o magagarang sasakyan na nakumpiska ng ahensiya mula sa mga smugglers.

Ayon kay Lapeña manghihinayang at matatakot na ang mga smugglers na ipagpatuloy ang kanilang iligal na gawain dahil seryoso si pangulong Duterte na sisirain lamang ang mga mamahaling sasakyan na nasasabat ng BOC.

Paliwanag ni Lapeña hindi tumitigil ang mga smugglers kung hindi masasampulan na seryoso ang gobyerno sa kanilang kampanya tungkol smuggling ng mga mamahaling sasakyan


Una rito umani ng mga batikos mula sa kritiko ni Pangulong Duterte sa plano nitong wawasakin ang mga Smuggled Luxury Cars na nasabat ng Bureau Of Customs dahil ang mungkahi nila sa halip anila na sirain dapat umanong i-auction o ipagbili nalamang at gamitin ang pinagbilhan sa mga programa ng gobyerno.

Facebook Comments