MALAKING TULONG | PAO, gagamitin ang draft report ng Senado para pagtibayin ang mga isinampang kaso laban sa mga akusado sa Dengvaxia controversy

Manila, Philippines – Hinihintay na lamang ng Public Attorneys’ Office (PAO) ang pormal na kopya ng Senate Blue Ribbon Committee para pagtibayin ang mga kasong isinampa laban sa mga nasasangkot sa dengvaxia controversy.

Sa interview ng RMN kay PAO Chief, Atty. Persida Acosta – malaki ang maitutulong ng committee report para mapanagot ang mga nadadawit.

Nilinaw din ni Acosta na hindi pa sila nakakapagsampa ng kaso laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Sec. Florencio Abad dahil nakatuon sila sa aspeto ng medikal at hindi sa korapsyon o procurement process.


Una na silang nakapaghain ng hiwalay na kaso sa Department of Justice (DOJ) Prosecutors Office.

Facebook Comments