Ibinida ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unang French built fast patrol boat na kanilang natanggap na una sa apat na bagong 24 meters patrol boats na dumating sa Alava Pier sa Subic Bay.
Ayon kay PCG Spokesman Capatain Armand Balilo malaking tulong ang naturang boat patrols sa kanilang pagpapatrolya lalo na at ang FPB 72 MKII ay may bilis na 28 nautical miles bawat oras at kayang magsakay ng 12 crew at 16 na pasahero na umaabot ng mahigit 5 bilyong pisong halaga lahat ng sasakyang pandagat.
Paliwanag ni Balilo nag-ugat ang pamamahagi ng boats patrol matapos ang isang kasunduan na pinasok ng DOTr at OCEA ang pioneer at kilalang gumagawa ng sasakyang pandagat sa France.
Giit ni Balilo magagamit ang naturang Boat Patrols sa kanilang pagsasanay para magbantay sa mga nagtatangkang magpuslit ng mga ilegal na droga at kargamento na pinadadaan sa backdoor.
Dagdag pa ng opisyal na ang pangalawa at pangatlong Boats Patrols ay inaasahang darating sa Setyembre at Nobyembre habang ang huling barko na darating ay sa susunod na taon Enero 2019.