Malaking volume ng mga Chinese na lalabas ng bansa, pinaghahandaan na

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang inaasahang pagdagsa sa NAIA Terminals ng malaking bilang ng Chinese residents na lalabas ng Pilipinas sa nalalapit na Chinese New Year.

Partikular na ang inaasahang paghaba ng pila sa airport para sa pagbabayad ng re-entry fees ng mga Chinese na tutungo sa abroad para sa Chinese New Year.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Tsino na magbayad ng maaga ng kanilang re-entry fee bago pa man ang kanilang flights.


Maaari anila silang magbayad sa field at satellite offices ng BI sa halip na sa airport upang maiwasan ang mahabang pila sa paliparan.

Facebook Comments