Pabalik na ng bansa ang barko ng Philippine Navy mula sa Muscat, Oman na kakargahan ng Personal Protective Equipment o PPEs na donasyon ng mga pribadong kumpanya sa India.
Ayon sa Philippine Navy, sakay ang kanilang tropa ng BRP Ramon Alcaraz at BRP Davao Del Sur.
Binubuo ito ng Naval Task Force na umalis mula sa Port Sultan Qaboos sa Oman.
Sila ay nakakuha na ng go signal para makabiyahe pabalik ng bansa.
Ayon sa Philippine Navy, historic ang naging paglalayag ng 400-man contingent na pinamumunuan ni Marine Colonel Noel Beleran na papalaot sa Indian Ocean, gayundin ang port visit sa Sri Lanka at Oman na naging daan para sa mas matatag na diplomatic ties sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at ng nasabing mga bansa.
Tiniyak naman ng National Task Force 82 na walang sinumang miyembro nito ang nakitaan ng anomang sintomas ng COVID-19 nang umalis ito ng Oman.
Bilang bahagi ng kanilang precautionary measures at para mapanatiling virus-free ang kanilang mga barko.
Inaasahang darating sa bansa ang mga ito sa ikatlong linggong Mayo.