
Dagsa na sa NAIA Terminal 2 Departure Area ang mga pasaherong patungo sa mga lalawigan ngayong Lunes Santo.
Sa ngayon, mahaba na ang pila sa check-in counters dahil sa dami ng mga pasahero.
Kapansin-pansin din na maraming pamilyang dayuhang turista ang tumutungo sa Tagbilaran, Bohol.
Dagsa rin ang mga pasahero patungong Boracay at iba’t ibang lugar sa Palawan, lalo na sa El Nido at Puerto Princesa.
Ilan din sa mga biyaherong nasa NAIA Terminal 2 ay magkakamag-anak na uuwi sa kanilang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao upang doon mag-Holy Week.
Facebook Comments










