Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara sa Department on Education o DepEd na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Bullying Act of 2013 para masiguro ang kaligtasan ng mga bata sa mga paaralan.
Ikinabahala ni Angara ang record ng DepEd na nagpapakitang umabot sa kulang kulang 20,000 ang kaso ng bullying sa pampubliko at pribadong paaralan noong school year 2016-2017.
Ayon kay Angara, lumalabas na halos 100 ang insidente ng pambubully kada araw sa mga eskwelahan.
Naniniwala si Angara na posibleng marami pa ang hindi nairereport dahil sa takot, hiya o pag-aalinlangan ng mga biktima ng bullying.
Facebook Comments