Malalakas na Kalibre ng Baril at mga Bala, Natagpuan ng 86 Infantry Battalion sa Quirino!

Cauayan City, Isabela -Dalawang malalakas na kalibre ng baril ang natagpuan ng tropa ng 86th. Infantry Battalion kasama ang limang bala ng M203 grenade launcher at sari-saring bala ng M14 at M16 rifle ang natagpuan sa lalawigan ng Quirino dahil sa sumbong ng isang concern citizen.

Ayon kay Sergeant Jake Lopez ng 502nd Brigade, ang M79 at shotgun ay pag-aari umano ng New People’s Army batay sa nakuhang impormasyon ng kasundaluhan.

Tinitingnan din umano sa ngayon kung kasama rin ito sa mga narekober na mga malalakas na baril, mga kagamitan at uniporme ng mga pulis sa parte ng Quirino kamakailan.


Ganunpaman, kinakailangan umano ang masusing ebalwasyon kung ito ay pag-aari ng NPA.

Samantala nasa pamunuan na ng 86th. Infantry Battalion ang mga natagpuang baril at mga bala kung saan ay inaasahang dadalhin na sa pamunuan ng 502nd Infantry Brigade.

Facebook Comments