Asahan ang malalakas na pag-ulan sa mga lalawigang matatamaan ng Bagyong Crising ngayong weekend.
Batay sa advisory ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang lalawigan ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lalawigan na maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Inatasan na rin ang mga local DRRMC at local government units (LGUs) na gawin ang kinakailangang pag-iingat.
Facebook Comments