Cauayan City,Isabela- Nasamsam ang ibat-ibang kalibre ng baril, granada at mga bala sa bahay ng isang kapitan ng barangay sa Enrile, Cagayan kahapon, Nobyembre 12,2021.
Kabilang sa kinumpiskang armas, isang yunit ng M14 Rifle kasama ang magazine na naglalaman ng 12 na bala, karagdagang 45 na pirasong bala at apat na karagdagang magazine, isang shotgun na walang serial number kasama ang 12 gauge na bala, tatlong pirasong rifle grenade, tatlong pirasong magazine ng cal.45 at 42 pirasong bala, tatlong yunit ng homemade shotgun na walang serial number, dalawang pirasong bala ng caliber 40, dalawang pirasong bala ng cal. 9mm, walong pirasong fired cartridge case ng cal. 45 at isang piraso ng magazine para sa M16 rifle.
Mismong ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Cagayan Police Provincial Office, 1st Provincial Mobile Force Company at Enrile Police Station ang nanguna sa operasyon.
Kinilala ang kapitan sa alyas na Romualdo na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Enrile Police Station kasama ang mga nakumpiskang mga ebidensya para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.