Malalaking Angkan mula Maguindanao magsasagawa ng Kanduli

Nagpapasalamat si Maguindanao Gubenatorial Candidate Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa nag uumapaw na tiwala at suporta na ipinapadama sa kanya ng kanyang mga kababayan kasabay na rin ng pagsisimula ng panahon ng Eleksyon.
Hindi rin nito lubos maiisip ang lalo pang paglawak at paglaki ng kanyang mga Kapamilya sa Team Gobyernorng May Malasakit sa Maguindanao.
Sa panayam, sinasabing halos lahat na ng mga incumbent officials maging ang mga kumakandidato mula sa ibat ibang posisyon sa lalawigan ay nagpaabot na ng pagsuporta partikular ang mga prominente at nirerespetong pamilya sa lalawigan.
Kaugnay nito, isang Kanduli o Thanksgiving ang nakatakdang gagawin sa bayan ng Sultan Kudarat sa April 1. Sinasabing inaasahang dadalo ang lahat ng mga kaalyado ng Team GMSM.

Facebook Comments