Nagpahayag ng saloobin ang ilang mga motoristang dumadaan sa isang bahagi ng Brgy. Biec, Binmaley, ukol sa lagay ng kakalsadahan sa nasabing lugar.
Sa ibinahaging larawan at video ng ilang mga motorista, makikita ang malalaking mga butas sa kakalsadahan.
Suliranin umano ito para sa kanila dahil maaari itong pagmulan ng aksidente.
Pagbabahagi pa ng mga ito, nakaraan taon pa raw may mga butas ang kalsada bagamat ngayong taon, tila umano dumami at lumaki ang mga butas dito.
Hiling ng mga motorista, maging mga residente sa lugar ang aksyon mula sa kinauukulan.
Samantala, sa kahabaan ng Biec – Canaolan, kasalukuyang may isinasagawang road construction.
Nakatakdang hingan ng pahayag ng IFM News ang panig ng concerned council o officials ukol sa naturang isyu. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









