Malalaking hospitals ng LGUs at 5 private hospital sa Metro Manila, unang makakatanggap ng mga bakuna mula Pfizer

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na lahat ng malalaking ospital na pinatatakbo ng Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila ay kasama sa unang makakatanggap ng bakuna mula sa Pfizer.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bukod pa dito ang limang pribadong ospital sa Kalakhang Maynila.

Ang naturang mga bakuna ay dadating sa bansa sa Sabado o ‘di kaya ay sa Linggo.


Inaasahan naman na sa Lunes ay masisimulan na ang COVID-19 vaccination drive sa bansa.

Kabilang din sa unang makakatanggap ng bakuna ang 56,000 na medical frontliners at
hospital staff ng Philippine General Hospital, Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital, Lung Center of the Philippines, at East Avenue Medical Center.

Facebook Comments