Malalaking isyu sa ekonomiya, migration, at depensa, bitbit ni PBBM sa bilateral talks nila ni Trump sa Amerika

Inaabangan na ang kauna-unahang opisyal na paghaharap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dito sa Washington D.C, USA sa July 22.

Mainit na tinanggap ng gobyerno ng Amerika si Pangulong Marcos Jr. ngayong araw pero kasabay nito, tila hindi naman welcome sa ilang grupong ang Pangulo na nagsagawa pa ng kilos-protesta sa harap mismo ng White House dahil sa mga sensitibong usapin na dapat masolusyunan ng gobyerno.

Ngayong araw ay wala pang naka-schedule na aktibidad ang Pangulo sa Amerika pero bukas ay magsisimula na ang kaniyang pulong sa mga business leaders.

Haharapin din ng Pangulo si US Secretary of State Marcos Rubio at US Defense Secretary Pete Hegseth.

Sa ngayon, si Pangulong Marcos ay nasa Blair House na, ang Presidential Guest House ng Amerika.

Dumating na rin sa Blair House sina Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Theresa Lazaro, Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, at Presidential Communication Office (PCO) Secretary Dave Gomez para sa briefing ng Pangulo kaugnay sa bilateral meetings.

Facebook Comments