Malalaking lalagyan ng tubig sa ilang palengke at warehouse, nagkakaubusan

Nagkakaubusan na ng malalaking lalagyan at drum ng tubig sa ilang palengke at warehouse dahil sa taas ng demand bunsod ng krisis sa suplay ng tubig.

Sa warehouse sa Caloocan, nagkaubusan na ang mga malalaking lalagyan at drum ng tubig sa dami ng mga namamakyaw na mamimili.

Higit isang daang drum naman ng tubig na ang naibenta sa isang department store ng housewares kada araw mula noong magkaroon ng problema sa tubig.


Pinakamabenta sa pamilihan ang nasa 65, 45, 80 at 85 litrong water container.

Facebook Comments