Manila, Philippines – Kasunod ng mainit na usapain kaugnay sa malagintong presyo ng bawang, kinumpima ni Department of Agriculture Sec. Manny Piñol na blacklisted na ang 43 mga importers ng bawang sa bansa.
Ayon kay Sec. Piñol, ginagawa ang hakbang matapos tumigil ang mga negosyante sa pag-iimport ng bawang sa panahong maliit lang ang tubo o kikitain.
Dahil dito apektado ang mga mamimili kung saan pumalo sa 300 pesos ang kada kilo ng bawang na dati ay nasa 60 pesos lang.
Sa datus ng DA mula January to June 70k metric tons na bawang ang kailangan ng bansa , pero pagdating ng buwan ng Mayo , tumigil sa pag-aangkat yung ilang negosyante dahil maliit lang ang kanilang kikitain.
Sa ngayon , bukas ang DA sa pagtanggap ng mga bagong players sa industriya ng bawang at si Sec. Manny Piñol ang tututok dito.