IPINAHAYAG ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na umabot na sa P4.1 bilyon ang naaprubahan at kasalukuyan nang ipinapamahagi sa mga ospital na kasalukuyang may mga kaso ng Covid 19.
Sa pamamagitan ng hakbang na ito, sinisigurado ng Philhealth na ang mga ospital ay magkakaroon ng pondo para sagutin ang mga gastusin ng mga pasyenteng kasalukuyang naka admit sa mga ospital. Makakatulong din ito sa pagbili ng testing kits, gamot, personal protective equipment, at iba pang medical supply, na mga matitinding kailangan ngayon ng mga ospital.
Sa sinasabing “ground zero”, ang NCR, dahil sa pinakamaraming kaso ng Covid-19 na naitala, tumanggap na ng ayuda ang katulad ng UP-Philippine General Hospital ng P263.3 milyon; East Avenue Medical Center ng P134 milyon; at Jose R. Reyes Memorial Medical Center ng P106.5 milyon. Samantalang para sa agarang pagkakawala na ang para sa Quirino Memorial Medical Center, P150 milyon; St. Luke’s Medical Center ng P146 milyon; The Medical City ng P141 milyon; St. Luke’s Global City ng P117 milyon; at Makati Medical Center ng P104 milyon.
Sa ibang rehiyon naman ay natanggap na ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban ang higit sa P150 milyon; P119.3 milyon naman sa Bicol Medical Center sa Bicol; at P46.8 milyon sa Lucena United Doctors Hospital sa Lucena; at iba pa. Samantala ay pinoproseso na ang paglipat ng perang ayuda para sa National Kidney and Transplant Institute sa halagang P179 milyon; Baguio General Hospital ng P165 milyon; Northern Mindanao Medical Center ng P128 milyon; at Dr Paulino Garcia Memorial Research and Medical Center ng P121 milyon.
Hinihikayat ng Ahensya ang ibang mga ospital na ipadala na ang kanilang mga hiling ng mga ayuda para ma proseso na ang kanilang mga ayuda. Dobleng oras ang mga empleyado ng PhilHealth para siguradong ma release itong tulong pinansyal sa iba pang mga ospital sa loob ng 5 araw pagtanggap ng kanilang hiling.
Samantala, nagpapasalamat ang Ahensya sa mga ospital na nakikipagtulungan na maipatupad sa polisiyang wala nang dapat bayaran ang mg pasyente pag sila ang mangailangan ma ospital dahil sa Covid. Ayon sa Ahensya, wala nang dapat isipin pa ang mga kababayan nating kundi magpagaling lang pag sila ay magkasakit ng Covid.