Malalaking pawikan, ipinagmamalaki ng mga taga-Sibago Island sa Basilan

Basilan, Philippines – Ang malalaking mga pawikan sa isla ng Sibago Municipality ng Mohammad Adjul lalawigan ng Basilan ang pwedeng ipagmalaki ng nasabing isla.

Ayon sa barangay chairman ng Sibago Abdurahim Culong, higit kumulang isang daang mga pawikan ang makikita sa isla na may dalawang uri at ito ang green sea turtle at hawksbill sea turtle, mayaman rin sa marine resources ang nasabing isla.

Subalit ayon kay Culong, nahihirapan nilang i-promote ang kanilang isla dahil sa problema ng peace and order, pero kanyang iginiit na hindi mismo sa Sibago nangyari ang tatlong insidente ng seajacking, at may kalayuan ito na higit labing limang milya.


Noong Miyerkules, isang programa ang isinagawa sa nasabing isla na pinamumunuan ni Dra. Arlyn Jumao-As Jawad na may temang “Protect The Seas And Save The Turtles’’ na may layunin upang iligtas ang mga pawikan sa lugar, nagkaroon rin ng lecture ang mga sundalo sa mga bata kung ano ang halaga nito sa karagatan, ipinaalam rin sa mga residente ng isla na bawal patayin o kainin ang itlog ng mga pawikan dahil may batas na nagsasabi na makukulong ang isang tao kung hinuli at pinatay nito ang pawikan.

Nag-alala si Jawad dahil lahat ng mga pasyente niya galing sa isla ng Sibago ay binabayaran siya ng itlog ng pawikan at dahil dito nangamba siya na baka maubos ang mga lahi nito kung kayat agad niyang pin alalahanan ang mga tao na bawal itong kainin o patayin.
DZXL558

Facebook Comments