Manila, Philippines – Malaki ang posibilidad na maging Marawi Siege part 2 ang malalaking siyudad sa Mindanao.
Ito ay ayon kay PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa makaraang magbabala ang Australian Ambassador to the Philippines na naghahanda na naman para sa panibagong pag-atake ang mga teroristang nasa likod ng Marawi seige.
Bukod pa ng ibinunyag ng Western Mindanao Command na may natanggap silang mga report na 40 dayuhang terorista ang umano’y nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng southern back door.
Pero naniniwala si Dela Rosa na hindi agad o magtatagal ng buwan o taon bago muling maisakatuparan ng mga terorista ang kanilang planong Marawi siege part 2 sa ilang malalaking siyudad sa Mindanao.
Kaya sinisiguro ni Dela Rosa na aktibo ang PNP at AFP katuwang ang iba pang intelligence agencies ng bansa para pigilan ang anumang banta mula sa mga terroristang nagbabalak ulitin ang Marawi seige sa iba pang mga siyudad sa bansa.
Katunayan aniya ay nagtungo sa Davao si PNP Directorate for Operations Director Camilo Pancratius Cascolan para mas mapaigting ang kooperasyon ng Local Government Unit at PNP sa pagdepensa ng syudad laban sa mga terorista.